OPLAN TOKHANG BUHAY KAY BATO

HANDA si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na buhayin ang Oplan Tokhang sa sandaling manalo bilang Pangulo ng bansa sa 2022 Elections.

Sa Zoom Press Briefing sa Senate Media, nanindigan si dela Rosa na maganda ang resulta ng ipinatupad nilang Oplan Tokhang noong siya pa ay lider ng Pambansang Pulisya.

“Yes, dahil alam kong noble ang Tokhang…Mali ang iniisip na Extra Judicial Killings ‘yan,” sagot ni Dela Rosa nang tanungin kung magkakaroon ng Oplan Tokhang Part 2 kapag siya na ang Pangulo ng bansa.

Inamin naman ni Dela Rosa na magkakaroon ng pagbabago sa polisiyang ipatutupad batay na rin sa rekomendasyon ng taumbayan.

“Of course tuloy yan, but hindi tayo magbibingi-bingihan sa suggestion o recommendations on how to make it work. Kung may babaguhin irerefine as far as policies are concerned, maga-adjust tayo. Nakikinig tayo sa pulso ng bayan,” paliwanag ng senador.

“If we remain with the Oplan Tokhang, sa akin napakaganda na yun pero ang kampanya sa double barrel, ang dapat baguhin ang pagsusuot talaga ng body camera to avoid abuses and provide protection to our operating personnel from harassment, kailangan meron talagang body cam,” diin pa ni Bato.

Muli ring binigyang-diin ni Bato na handa siyang humarap sa International Criminal Court (ICC) upang ipagtanggol ang ginawa nilang operasyon noon kontra droga.

Naniniwala siya na hati ang persepsyon ng taumbayan pagdating sa drug war na kanilang inilunsad subalit positibo siyang mas marami ang natuwa.

“Two things yan, it can be plus or negative point for me. Yung galit sa war on drugs, negative yan di boboto sa akin. Yung natuwa boboto ‘yan. Hindi natin alam kung sino mas marami. Sa survey, mas marami ang natutuwa kesa nagalit. I don’t care about ICC, haharapin ko yan kung aabot yan dito,” pagtiyak ng mambabatas. (DANG SAMSON-GARCIA)

235

Related posts

Leave a Comment