Overloaded SUV nahulog sa irigasyon 13 PATAY SA LAKE TRIP

KALINGA – Umabot sa 13 katao ang namatay, kabilang ang tatlong paslit, nang mahulog sa irrigation canal ang sinasakyang SUV sa lungsod ng Tabuk sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Nagawa namang masaklolohan ng taumbayan ang 15 pasahero ng Ford Everest SUV ngunit dalawa lamang ang nailigtas.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung paano nahulog ang SUV at kung bakit 15 ang sakay nito.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, patungo ang mga biktima sa Bulo Lake sa Tabuk City para mamasyal bandang alas-5:00 noong Linggo ng hapon nang mangyari ang insidente,

Ang mga biktima ay dinala sa Kalinga Provincial Hospital.

Nauna nang kinumpirma ni P/Col. Davey Vicente Limmong, provincial director ng Kalinga Police, ang insidente ngunit hindi pa makapagbibigay ng karagdagang detalye. (JESSE KABEL)

240

Related posts

Leave a Comment