UMAKYAT na sa mahigit P21.4 bilyon ang trust fund ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ngayong 2026—mas mataas ng halos P1 bilyon kumpara noong nakaraang taon.
Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, ang paglago ng pondo ay bunsod ng patuloy na pagdami ng OFW members at mas pinaigting na pangangasiwa sa pondo ng ahensya.
“Tumaas po ang emergency repatriation fund sa P1.286 bilyon, at mayroon din tayong ‘Alagang OWWA’ na P942 milyon,” ani Caunan sa isang press briefing.
Dagdag ng OWWA, layon ng mas malaking pondo na mas mapalawak pa ang tulong at benepisyong natatanggap ng mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya.
(CHAI JULIAN)
20
