P1.6-B ATRASO NG MGA LOPEZ, KAKALKALIN NA RIN SA KAMARA

HAHALUKAYIN na rin ng mababang kapulungan ng Kongreso ang P1.6 Billion na inutang ng mga kumpanya ng pamilya Lopez sa bangko ng gobyerno na pinatawad at hindi na pinabayaran sa mga ito.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government sa prangkisa at paglabag umano ng ABS-CBN sa batas, nagdesisyon ang dalawang komite na isama na sa imbestigasyon ang utang ng pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP) na hindi na pinabayaran sa kanila.

Kasunod ito ng manifestation ni DUMPER PTDA party-list Rep. Claudine Diana Bautista na alamin kung bakit hindi pinabayaran sa mga Lopez ang kanilang utang na umaabot sa P1.6 Billion.

“I have come to learned that the Benpress Holding Corporations, now called Lopez Holding Corporations which is given rights over considerable number of ABS-CBN corporation shares, benefited from condonation or right off by the Development Bank of the Philippines, along with other companies controlled by Lopez companies,” ani Bautista.

Noong 2006, panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ni-write off o hindi na pinabayaran ng DBP sa pamilyang Lopez ang nasabing utang kaya nawalan ng P1.67 Billion ang sambayanang Filipino.

Isa ito sa mga ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Lopez partikular na kay Eugenio “Gabby” Lopez III kaya pinaimbestigahan ng Pangulo ang nasabing usapin upang malaman kung sino ang pumayag na huwag nang bayaran ng nasabing pamilya ang kanilang utang na pera ng bayan.

Kabilang sa mga utang ng pamilya Lopez ang P710.86 million loan para sa Maynilad Water; P591.81 million para sa BayanTel; P207.10 para sa Central CATV Inc., habang ang Benpress Holding na ngayon ay Lopez Holding Corporations ay umaabot sa P157. 95 million o kabuuang P1.667 billion ang utang na nalibre na rin dahil hindi na ito pinabayaran sa kanila.

“Thus, I moved that these committee include these matter as one of the issues to be tackled specifically whether or not ABS-CBN and the Lopez group of companies unjustly benefited of the loans condoned by the Development Bank of the Philippines to the prejudice of these government,” ani Bautista.

DAYUHAN ‘DI KINONTRA

Samantala, sa nakaraang pagdinig ng naturang komite sa Kamara ay hindi kinontra ng kampo ng ABS-CBN na may kontrol ang mga dayuhang may hawak ng malaking bahagi ng Philippine Depository Receipt (PDRs) sa kanilang kumpanya.

Sa interpelasyon ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga noong Huwebes, mistulang natameme ang mga abogado at opisyales ng ABS-CBN nang igiit nito na ang PDRs ay katumbas ng shares of stock sa kumpanya kaya may kontrol din ang mga ito sa network.

Lumabas sa nasabing pagdinig na ang US Based Capital Group, isa sa pinakamalaking investment companies sa mundo ay nag-invest sa PDRs ng ABS-CBN Holdings kung saan umaabot sa 187 million ang shares of stock na hawak ng mga non-Filipino o mga dayuhan.

Katumbas ito ng 62.6% sa total outstanding stock ng ABS-CBN Holdings habang ang natitira ay hawak naman ng mga Filipino investor kaya ayon kay Barzaga ay mayroon silang kontrol sa network.

“That (ownership of PDRs and their equivalent to shares of stocks) will be the issue that we will discuss – whether or not there is a constitutional violation because it would amount, or is tantamount to control,” ayon pa kay Bargaza na hindi kinontra ng kampo ng ABS-CBN.

Ipinaliwanag ni Barzaga na bagama’t may restriction umano na ipinataw ang mga may-ari ng ABS-CBN na hindi puwedeng ibenta ang PDRs, maaari pa rin umano itong gawin ng mga dayuhan dahil sila ang may-ari ng PDRs.

“If you are a foreigner, of course you will not spend millions of pesos wasting your money if you will not be able to have those covered shares of stocks. There is a restriction insofar as ownership is concerned. Control comes with the purchase of these foreigners,” ayon pa kay Barzaga. BERNARD TAGUINOD

328

Related posts

Leave a Comment