P10-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Mahigit sa P10.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa arestadong tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek na si alyas “Sian”, 30-anyos, binata.

Ayon sa naantalang report ng pulisya, dakong alas-6:25 ng gabi noong Martes, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) RO NCR-EDO, kasama ang Philippine National Police (PNP) sa isang lugar na Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Sian”.

Nakuha sa suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng humigit kumulang 1.5 kilos ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P10,200,000.

(SIGFRED ADSUARA)

28

Related posts

Leave a Comment