P12-M ARI-ARIAN SA CALAMBA NILAMON NG APOY

LAGUNA -Tinatayang aabot sa P12 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog na tumupok sa isang vulcanizing shop at katabing tindahan ng motorcycle parts sa Barangay San Cristobal sa Calamba City noong Lunes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Calamba, nagsimula ang sunog bandang alas-4:20 ng hapon at itinaas sa ikalawang alarma bago tuluyang nakontrol pasado alas-6 ng gabi.

Walang naiulat na nasawi sa insidente ngunit isang tao ang bahagyang nasugatan.

Batay sa paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang sunog sa electrical ignition sa loob ng vulcanizing shop.

Patuloy pa ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang tiyak na sanhi at kabuuang lawak ng pinsala.

(NILOU DEL CARMEN)

35

Related posts

Leave a Comment