P13.2-M FRESH CARROTS MULA CHINA NAKUMPISKA NG BOC

NADISKUBRE ng Bureau of Customs ang P13.2 million na halaga ng fresh carrots mula sa China sa loob ng tatlong forty-foot containers sa Port of Manila.

Ayon kay District Collector Alexander E. Alviar, nagpalabas ng Alert Order sa nasabing shipment noong Oct. 8 dahil sa ulat ng tangkang smuggling.

Nang iutos ang physical examination sa mga container noong Oct. 17, nadiskubre ang mahigit 53,283 kilos ng fresh carrots na idineklarang bathroom fixtures, napkins, at storage boxes.

Noong Oct. 21 ininspeksyon ng mga opisyal ng BOC sa pamumuno nina Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla, Deputy Commissioner for Enforcement Group PBGen Nolasco K.

Bathan at District Collector Alviar, ang nasabing shipment.

Ayon kay Maronilla, inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban sa importer ng nasabing produkto. Maglalabas din ng Warrant of Seizure and Detention sa shipment dahil sa paglabag Customs Modernization and Tariff Act.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ang pagtatangkang ipasok sa bansa ang illegal carrots galing China ay maaaring makaapekto sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

47

Related posts

Leave a Comment