P16-M SHABU NABUKING SA TAPE DISPENSER

SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), ang isang lalaki matapos mahulihan ng 2.454 kilo ng umano’y shabu na nakasilid sa tape dispenser, sa lungsod ng Pasay

Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang suspek na si Raymond Darag Dulla, alyas “Babe” at “Boy”.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Illegal Drugs) ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ikinasa ang operasyon mula sa impormasyong natanggap ng ahensya noong Setyembre 14 na may ibibiyaheng shabu ang suspek na nakalagay sa brown box.

Natuklasan din sa karagdagang impormasyon na ang suspek ay magrerenta ng taxi na babagtas sa service road malapit sa isang restaurant sa Roxas Boulevard sa Pasay City dakong alas-8:00 ng gabi.

Mabilis namang nagkasa ng operasyon ang mga operatiba ng NBI-NCR laban sa suspek

Sa nasabing petsa, nagtungo ang NBI-NCR sa Pasay City at nag-abang sa nasabing lugar kung saan nadakip ang suspek na sakay ng isang taxi.

Nakumpiska sa suspek ang tape dispenser na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu, na tinatayang P6 milyon ang halaga.

(RENE CRISOSTOMO)

211

Related posts

Leave a Comment