TINATAYANG 1.91 gramo ng umano’y shabu na P16,000 ang halaga ang nakumpiska mula sa isang hinihinalang drug pusher sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng PNP-PRO5 noong Disyambre 27, 2021 sa Zone-4, Brgy. Baras, Canaman, Camarines Sur.
Ang suspek ay kinilalang si Rogelio Rodriguez Basbas Jr. alyas “Jojo Basbas”, 52-anyos, may asawa, at residente ng Zone 1, ng nabanggit na lugar.
Ang nasabing indibidwal ay nadakip sa inilunsad na buy-bust operation ng PNP-PRO5 na pinangunahan ng Canaman MPS.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng nabanggit na istasyon ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ang hanay ng PNP-PRO5 ay nanatiling determinadong iwaksi at bigyang solusyon ang mahabang panahong problema sa droga ng rehiyon. Sa mga darating na araw, inaasahan na mas marami pang anti-illegal drugs operation ang gagawin ng mga pulis katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency 5, para itaguyod at bigyan ng isang tahimik at maunlad na pamayanan ang mga Bicolano. (JESSE KABEL)
