P1K-P4K AYUDA SA MGA NASA ECQ

INANUNSYO ng Malakanyang na may matatangap na cash aid ang mamamayang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sinabi ni Sec. Roque na may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 cash aid kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City.

Ito aniya ay manggagaling sa programa ng DSWD na Assistance to Individuals to Crisis Situation (AICS).

Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa ECQ classification sa Iloilo City at Iloilo Province sa Region 6 at Cagayan de Oro City at Gingoog City sa Region 10 simula Agosto 1 hanggang Agosto 7, 2021.

Sa ilalim naman ng modified enhanced community quarantine (MECQ) classification ang Ilocos Norte sa Region 1; Bataan sa Region 3; at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 mula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021.

Samantala, pinalawig ng chief executive ang GCQ “with heightened restrictions” classification sa National Capital Region simula Agosto 1, 2021 hanggang Agosto 15, 2021.

Inilagay rin sa ilalim ng GCQ “with heightened restrictions” mula Agosto 1 hanggang Agosto 15, 2021 ang Ilocos Sur sa Region 1; Cagayan sa Region 2; Bulacan sa Region 3; Laguna, Lucena City, Cavite at Rizal sa Region 4-A; Naga City sa Region 5; Antique, Aklan, Bacolod City at Capiz sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; Misamis Oriental sa Region 10; Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Occidental sa Region 11; at Butuan City sa CARAGA.

Sa kabilang dako, ang Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya a Quirino sa Region 2; Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay inilagay naman sa ilalim ng GCQ classification mula Agosto 1 hanggang Agosto 31, 2021.

Ang lahat ng iba pang lugar ay inilagay naman sa ilalim ng MGCQ classification mula Agosto 1 hanggang Agosto 31, 2021. (CHRISTIAN DALE)

200

Related posts

Leave a Comment