UMAABOT sa P2.83 bilyon ng 2023 Health Facilities Enhancement Program (HFEP) budget ng gobyerno ang naantala o hindi naipatupad, ayon sa Commission on Audit (COA).
Sa annual audit report nito para sa Department of Health para sa taong 2023, sinabi ng COA na sa P2.8 bilyon, P2.44 bilyong piso ang natuklasang dumanas ng ‘delayed completion/implementation.’
Ang mga naantalang HFEP infrastructure projects ay matatagpuan sa:
Region 6 (Western Visayas): Dalawang Proyekto
Region 9 (Zamboanga Peninsula): Isang Proyekto
Region 11 (Davao Region): Dalawang Proyekto
Region 12 (Soccsksargen): Tatlong Proyekto
Idagdag pa rito, ang hindi nagamit na pondo para sa infrastructure projects sa Regions 9, 11, at 12 na nagkakahalaga ng P83.78 milyong piso.
Isang pangunahing unimplemented project, ang Western Visayas Center for Health Development, ay nagkakahalaga naman ng P306.54 milyong piso.
Itinuturing naman na ‘most significant non-utilized HFEP project funding’ ay ang P1.074 billion Southern Philippines Medical Center (SPMC) project sa Davao City.
Sinabi rin ng COA na pinahina ng ‘delays at deficiencies’ ang layunin, pinagkaitan ang publiko ng benepisyo na maaaring ibigay ng mga pasilidad.
Ilan umano sa mga dahilan ng pagkaantala, non-utilization, at non-implementation, ay temporary work suspensions dahil sa site accessibility issues at iba’t ibang kautusan; panganib mula sa ‘falling debris’ sa mga lugar na may nagpapatuloy na operasyon
Hindi kompleto na elevator shafts; pagkaantala sa pagbabayad para sa mga delivery fees; at iba pa. (CHRISTIAN DALE)
