P2-M MULTA SA LALABAG SA SRP NG FACE SHIELDS

POSIBLENG pagmultahin ng aabot sa P2 milyon ang sinoman lalabag sa bentahan ng suggested retail price o SRP ng face shields, ayon sa Department of Trade and Industry.

Sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ipinakalat na nila ang SRP kayat hindi ito dapat abusuhin o ‘di kaya ay manipulahin ng mga mandurugas o oportunistang nagbebenta.

“Ang penalty doon — this is covered kasi by the Price Act dahil declared ng DOH (Department of Health) na basic commodity siya or essential good — P2 million ang maximum, P5,000 minimum,” sinabi ni Castelo sa panayam sa Unang Hirit.

“There is also imprisonment of five to 15 years for profiteering,” dagdag nito.

Pirmado ni Health Secretary Francisco Duque III ang Department Order Number 0345 na nagpapataw ng SRP at sakop ang mga non-medical grade face shields.

Ang mga heavy duty face shield na may mga tulad ng acrylic cover at rubber strap ay maaaring maibenta sa halagang P500 pataas habang ang mga ordinaryong klase ay mula P26-P50.
(CATHERINE CUETO)

156

Related posts

Leave a Comment