P2-M SHABU NASABAT SA HIGH VALUE INDIVIDUAL

CAVITE – Mahigit P2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang itinuturing na high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang arestado na si Alnor Macarampat y Haron, nasa hustong edad, ng Brgy. Salawag, Dasmarinas City.

Ayon sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva ng Dasmariñas City Police Station, ala-10:20 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEU Cavite PPO at Dasmariñas CPS sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha sa suspek ang 300 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P2,070,000 at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

119

Related posts

Leave a Comment