ZAMBOANGA DEL NORTE – Dalawang high value target ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation sa lalawigan na nagresulta sa pagsamsam sa P204,000 halaga ng umano’y shabu, ayon sa ibinahaging ulat ng ahensya nitong Huwebes.
Ayon report na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng PDEA Regional Office 9 (PDEA RO9) – Zamboanga del Norte Provincial Office (ZNPO), ang dalawang indibidwal na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tinatayang 30 gramo ng hinihinalang crystal meth o shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P204,000.
Isinagawa ang operasyon dakong alas-11:55 ng umaga noong Miyerkoles sa Barangay Miputak, Dipolog City, sa tulong ng Seaport Interdiction Unit–Zamboanga del Norte (SIU), Dipolog City Police Station, Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) 9, at PNP DEG SOU9.
Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sima alyas “Glenn”, 44, at “George”, 45, kapwa residente ng Barangay Miputak, Dipolog City.
Nasamsam mula sa mga suspek ang ilang heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Pagbebenta ng Dangerous Drugs) at Section 11 (Pag-iingat ng Dangerous Drugs) ng Article II, Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(JESSE RUIZ)
14
