NEGROS OCCIDENTAL – Patay ang anim na taong gulang na bata nang mahagip ito ng punglo sa sagupaan sa pagitan ng New People’s Army at tropa ng pamahalaan sa bayan ng Moises Padilla sa lalawigan.
Dead on the spot ang mag-aaral ng Agogolo Elementary School, matapos siyang tamaan ng bala sa ulo sa gitna ng sagupaan sa pagitan ng mga kagawad ng Army 62nd Infantry Battalion at mga NPA terrorist sa Sitio Inangao, Barangay Quintin Remo.
Patuloy na tinutugis ng militar ang tumakas na NPA remnants habang nakalagak naman ang bangkay ng napatay na paslit sa isang lokal na funeral sa nasabing bayan.
Pinagkalooban naman ng financial assistance ang pamilya ng biktima sa pangunguna nina Mayor Ella Garcia Yulo at Vice Mayor Pimpoy Yulo na kapwa nagpahatid ng pakikiramay sa mga naulila.
(JESSE RUIZ)
13
