P216-B IPINAGKALOOB NG USAID SA PINAS

TINATAYANG nasa mahigit Php216 billion o katumbas ng ($4.5 billion) ang naipagkaloob ng United States Agency for International Development o USAID sa Pilipinas para isulong ang mga target na pagbabago sa bansa.

Kamakailan ay lumagda rin ang US government, sa pamamagitan ng USAID at National Economic Development Authority (NEDA) ng panibagong five-year bilateral assistance agreement na nagkakahalaga ng $150 million para sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa nasabing kasunduan ay lalong pinalalim ng United States at Pilipinas ang kanilang commitment na pangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagsusulong ng sustainable use ng natural na yaman, pagpapalawak ng access sa renewable energy at pagbabawas sa peligrong dala ng natural disasters.

Sa pakikipagtulungan sa national, provincial at local governments ay ipatutupad ng USAID ang mga proyekto upang madagdagan ang access sa clean energy at tubig; mapabuti ang natural resource management at protektahan ang landscapes, wildlife, and fisheries ng Pilipinas. (JESSE KABEL)

155

Related posts

Leave a Comment