P23.2-M LUXURY GOODS NASABAT NG BOC-NAIA NOONG 2020

Umabot sa halagang 23.2 milyong piso ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) NAIA at Intellectual Property Office of the ­Philippines (IPOPHIL) mula sa ibat-ibang mga luxury goods noong nakaraang taon (2020).

Ito ay ang pinagsamang pagsisikap ng BOC-NAIA at IPOPHIL laban sa paglaganap ng mga pekeng kalakal sa bansa.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga mama­haling kagamitan na tulad ng: ­watches, bags, shoes, sandals, shirts, at accessories, na may tinatayang aabot ng kabuuang Php23.2 million.

Dahil dito, ang ibat-ibang brand owners ng luxury goods, BOC-NAIA at IPOPHIL ay nagkaroon ng meeting noong Pebrero 10, 2021 sa Bureau of Customs NAIA sa Pasay City para pag-usapan ang pagpapaigting ng border protection laban sa malalang intellectual property right violations.

Karagdagan nito, sina IPOPHIL Director General, Atty. Rowel S. Barba, District Collector Carmelita M. Talusan at ang kinatawan ng Christian Dior, Nike, Converse, Hermes, Chanel, Fendi, Maison

Goyard, Michael Kors, Alexander Mcqueen, at Swarovski ay personal na nag-inspeksyon sa mga nasabat na luxury goods ng BOC-NAIA noong 2020 sa Paircargo para alamin ang pagiging genuineness at authenticity ng nasabing mga kalakal.

Matapos ang confirmation of genuineness and ­authenticity ng mga ­kumpiskadong luxury goods ay agad itong isinailalim sa public auction na naaayon sa Section 1141 of the Customs Modernization
and Tariff Act (CMTA) para makakalap ng karagdagang revenue collection para sa naturang port.

Ang Bureau of Customs, sa pamamagitan ng pamumuno at patnubay ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, at sa tulong ng iba pang law enforcement agencies, ay patuloy sa pagtitiyak na sapat na border security measures ay laging nariyan para masawata ang lahat ng uri ng smuggling activities at modus operandi.
(Joel O. Amongo)

430

Related posts

Leave a Comment