P250-M TAKLOBO NASABAT NG COAST GUARD

AABOT sa P250 milyong halaga ng taklobo ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang operasyon sa Palawan.

Sa ulat sa PCG, ang mga taklobo o “fossilized giant clam shells” ay tumitimbang sa isang daan at limampung tonelada.

Katuwang ng PCG ang PNP-Maritime Group sa pagsalakay sa King’s Paradise Island Resort sa Barangay Panitian, Sofronio Espaniola,

Palawan nitong Hunyo 28 kung saan nadakip ang isa sa apat na suspek na nakilalang si Eulogio Togonon.

Pinaghahanap pa ang tatlong kasamahan nito.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Wildlife Resources Conservation and Protection Act si Togonon sa Palawan Prosecutors Office. (RENE CRISOSTOMO)

169

Related posts

Leave a Comment