P29 BBM RICE NG NIA ILEGAL

(DANG SAMSON-GARCIA)

KINUWESTYON ni Senador Imee Marcos ang BBM Rice Contract Farming Program ng National Irrigation Administration o NIA.

Layon ng programa na makapamahagi ng bigas sa presyong P29 kada kilo.

Subalit iginiit ni Marcos na hindi ito bahagi ng mandato ng NIA at maituturing itong ilegal bukod pa sa overlapping ito sa national rice program ng Department of Agriculture at sa rice tariffication funding.

Ipinaliwanag naman ni NIA chief Eduardo Guillen na ang programa ay bahagi ng General Appropriations Act of 2024 at ipinagpapatuloy lamang nila sa susunod na taon.

Sa ilalim ng kasalukuyang budget, may P3.4 billion na alokasyon para sa programa.

Samantala, tinapyasan ng 36 percent ng Department of Budget and Management ang proposed budget ng NIA sa susunod na taon.

Mula sa P71.49 billion ngayong 2024, ibinaba ng DBM sa P43.57 billion ang alokasyon sa ahensya sa susunod na taon.

Ayon kay Guillen, malaki ang magiging impact nito sa restoration at repair ng mga irrigation system gayundin sa pagdevelop ng mga bagong area para sa irrigation plans.

103

Related posts

Leave a Comment