P3.4-M SHABU NASABAT SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang P3.4 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang arestado na si Jemuel Papa, 34, ng Brgy. Malagasang, Imus City habang tinutugis ang kasama nitong si Anthony Saquilayan na nakatakas sa operasyon.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon noong Sabado, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Batangas, PDEA Cavite, at Police Provincial Office (PPO) sa Saquilayan Compound, Green Mark Subdivision, Brgy. Malagasang 11-C, Imus City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek ngunit nakatakas si Saquilayan.

Nakumpiska sa suspek ang 501 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P3,406,800 ang halaga, isang cellular phone at P4,000 buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

192

Related posts

Leave a Comment