Aabot ng tatlong milyong pisong (P3-M) halaga ng ecstacy at kush marijuana ang nasabat ng Bureau of Customs NAIA sa pamamagitan ng Port’s Anti-illegal Drugs Task Force (CAIDTF), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IATDITG) sa air parcels at ibat-ibang warehouse sa Pasay City.
Nasa 1,681 tablets ng ecstacy na may tinatayang street value na Php 2,857,700 ang nakitang nakalagay sa loob ng microwave oven, habang 133 gramo naman ng kush marijuana na may halagang Php 159,600 ang nakita sa loob ng isang metal toy box.
Ang kabuuang halaga ng Ecstacy at Marijuana ay nasa Php 3,017,300.
Base sa records, lumalabas na ang nasabat na ecstacy ay ibinayahe mula sa Netherlands at naka-consigned sa isang taga-Quezon City habang ang nasabat na kush marijuana ay nagmula sa USA at naka-consigned sa isang indibidwall sa Pasay City.
Ang parehong parcels ay ipinasa na sa PDEA noong, Abril para sa case profiling at build up para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) na may kaugnayan sa Section 119 (Restricted Importation) at Section1401 (Unlawful Importation) of Republic Act 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Kaugnay nito ang BOC NAIA, PDEA, at NAIA-IADITG ay nananatili sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs matapos ang kanilang pagkakasabat sa Php 13.62 million halaga ng shabu na nakalagay sa isang steamboat hotpot grill appliance kamakailan.
Bilang buong suporta sa border control initiatives ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ang BOC NAIA sa ilalim ng pamumuno ni Port District Collector Carmelita M. Talusan ay patuloy sa kanilang pagbabantay laban sa ibat ibang uri ng ‘modes of concealment of illegal drugs’ sa pamamagitan ng pinahusay at pinabuting profiling techniques kasama ang aktibong pakikipagtulungan at ugnayan sa PDEA at NAIA-IADITG. (Jo Calim)
