P36M SIBUYAS GALING CHINA, HAGIP SA MISAMIS

BULILYASO sa mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) sa Cagayan de Oro ang panibagong tangkang pag­ pupuslit ng nasa P36-mil­yong halaga ng mga import­ed na sibuyas mula sa bansang China.

Sa ulat ng BOC-Cagayan de Oro, 12 container vans ang nasabat sa Mindanao International Container Terminal (MICT) Port sa Tagoloan, Misamis Oriental bunsod ng timbre ng isang impormanteng tumukoy sa naturang kontrabando.

Batay sa dokumentong ka­lakip ng mga naturang kargamento, dalawang kumpanya ang lumalabas na consignee ng mga bulilyasong kontrabando ang Frankie Trading Enterprises at Primex Export and Import Producer na una nang nasangkot sa dalawang iba pang nasabat na kargamento.

Ayon pa sa BOC, isang impormasyon ang kanilang na­tanggap kaugnay ng mga kar­gamentong idineklarang “spring roll patti” at “plain churros” na inangkat diumano mula sa China.Nang matukoy ang kargamento, agad na isinailalim sa pagsusuri kung saan tumambad ang “red and white onions.”

Dito na kinumpiska ng mga operatiba ng naturang kawanihan ang laman ng 12 container vans, kasabay ng pahayag hinggil sa agad na paghahain ng asuntong paglabag ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at RA 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act) laban sa Frankie Trading  Enterprises at Primex Export and Import Producer.

Pagtitiyak ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, agad din niyang ipinag-utos ang proseso para sa pagkansela ng accreditation ng mga importers na nabulilyaso, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (RENE CRISOSTOMO)

180

Related posts

Leave a Comment