UMABOT sa kabuuang P40.06 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam habang nasa 110 drug personalities ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kanilang isang linggong anti-narcotics operation sa buong bansa katuwang ang Bureau of Customs, Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng batas.
Nabatid na nasa 83 malawakang operasyon ang inilunsad ng PDEA sa buong bansa mula Hunyo 18 hanggang 25, 2026.
Ang mga operasyon na sumaklaw sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay kinabibilangan ng mga buy-bust operation, maritime interdiction, pagpuksa sa mga plantasyon ng marijuana (marijuana eradication), at pagpapatupad ng mga search warrant.
Ayon sa PDEA, ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa ilalim ng adyendang Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Base sa datos ng PDEA, ayon sa kanilang Pangkalahatang Accomplishment report nitong nakalipas na linggo, umabot sa 83 ang kabuuan ng anti-illegal drug operations, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 110 suspek, habang nasa 3,574.91 gramo ng shabu ang nasamsam, 72,240 naman ang binunot na tanim ng marijuana, sa inilunsad na marijuana eradication na umaabot sa 9,899.13 gramo, may 2,800 na punla ng marijuana kush na tumitimbang ng 5.18 gramo.
Kabilang naman sa drug personalities na naaresto ang 76 na pushers (tulak), 19 na possessors, limang bisita/kliyente ng drug den, apat na may-ari/maintainer ng drug den, 4 dalawang empleyado ng drug den, at 2 drug users.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, ang mga huling operasyon ay nagpapakita ng tatlong mahahalagang takbo o trends sa pagpapatupad ng batas.
Ang ilegal na pagtatanim ng marijuana ay nananatiling talamak sa rehiyon ng Cordillera (partikular sa Kalinga at Benguet).
(JESSE RUIZ)
98 