P400-M DROGA WINASAK NG PDEA SA LEYTE

PINANGUNAHAN ni Philippine Drug Enforcement Agency 7 (PDEA7) Regional Director, Dir. III Bryan B. Babang ang pagsira sa nasamsam na drug and non-drug evidence at expired medicines sa pamamagitan ng thermal facility ng Heaven’s Gateway Chapel, sa Brgy. Campetic, Palo, Leyte.

Winasak sa pamamagitan ng matinding init ang 58,930.0371 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na aabot sa P400,724,252.96; 0.1123 grams ng marijuana, at assorted expired medicines na may halagang P9,871.60.

Ang isinagawang dangerous drug destruction na naaayon sa RA 9165, ay sinaksihan ng mga kinatawan mula sa DOJ, PAO, elected officials, media practitioners, Police Regional Office 8, PNP Regional Forensic Unit 8, civil society group, at iba pang stakeholders.

Dumalo rin sa nasabing okasyon sina ARD, Dir. III Christian Frivaldo; IAV Eduardo Makabenta, PDEA8- Plans and Operations, Division chief; Atty. Jason T. Matoza, chief, Legal and Prosecution Unit; Provincial and City Officers and Laboratory personnel ng PDEA RO VIII. (JESSE KABEL RUIZ)

64

Related posts

Leave a Comment