P5-K multa, seminar sa mahuhuli PAGDURA, PAGBAHING IN PUBLIC BAWAL NA SA SAN JUAN


BAWAL na ang pagdura, pagsusuka, pagsinga at pagbahing sa mga publikong lugar sa San Juan City simula ngayong araw.

Ito ang laman ng bagong ordinansa ng lokal na pamahalaan ng nabanggit na lungsod, bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Bukod sa mga ito, bawal na rin ang pag-ihi sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, ang mga mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P500 sa unang pagkakataon; P2,000 sa ikalawang pagkakataon; at P5,000 na may kasamang seminar sa ikatlong pagkakataon.

“‘Yun na nga ang mismong iniiwasan natin. ‘Yung body fluids na galing sa isang tao na posibleng infected ng COVID-19,” sinabi ni Zamora kaugnay sa ordinansa.

Sakaling hindi maiwasan ang pag-ubo at pagbahing, sinabi ni Zamora na mainam na takpan ang bibig at ilong, at magsuot ng face mask kung nasa pampublikong lugar.

Sisimulan ang pagpapatupad nito ngayong Sabado, Setyembre 6.

Lalagyan naman ng body camera ang mga kawani na magpapatupad ng ordinansa.

“Makatutulong para sa mas maayos na implementasyon ng ating mga ordinansa.

Para wala nang room for interpretation, no? Kung totoo bang nagkasala o hindi,” paliwanag ni Zamora. (CATHERINE CUETO)

422

Related posts

Leave a Comment