P5-M PABUYA SA CHINESE WOMAN NA DAWIT SA QUE-PABILLO SLAY

NAGLAAN ng limang milyon piso ang Philippine National Police (PNP) para sa makapagtuturo sa kinaroroonan ni Gong Wenli, alyas Kelly Tan Lim, Bao Wenli, Axin, at Huang Yanling.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Jean Fajardo, malaki ang partisipasyon ni Wenli sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que at driver nitong si Armanie Pabillo.

Sinabi ni Fajardo, na si Wenli ay sangkot sa walong kidnapping simula noong 2023 hanggang 2025 kasama si David Tan Liao.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na sa loob ng mga nasabing taon ay sangkot sa walong kaso ng kidnapping ang babaeng suspek kasama si David Tan Liao.

Samantala, nilinaw naman ni Fajardo na walang matibay na ebidensya laban kay Alvin Que, ang anak ni Anson Que na idinawit ni Liao bilang mastermind para kidnapin ang kanyang ama at hingan ng ransom at patayin.

Dahil sa pagdawit ni Liao kay Alvin ay agad nitong isinuko ang kanyang cellphone upang isailalim sa forensic.

Wala ring nakikitang matibay na ebidensya ang PNP na magdidiin kay Alvin.

Si Alvin ang nakipagnegosasyon sa mga dumukot sa kanyang ama at driver nito at siya rin ang naghulog ng P10 milyon na bahagi ng ransom money sa pamamagitan ng cryptocurrency.

(TOTO NABAJA)

59

Related posts

Leave a Comment