P50 DAILY WAGE INCREASE EPEKTIBO NA

EPEKTIBO na mula nitong Hulyo 18 ang P50 daily wage increase sa Metro Manila, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa Facebook post nitong Biyernes, sinabi ng DOLE na ang daily wage para sa minimum wage earners sa non-agriculture sector sa Metro Manila ay nadagdagan mula P645, ngayon ay P695 na.

Samantala, ang daily salary para sa mga manggagawa sa agriculture, retail/service establishments na may 15 manggagawa o mas kakaunti, ay madaragdagan naman mula P608 ay magiging P658. Gayundin sa

manufacturing establishments na may regular na empleyado na mas mababa sa 10 manggagawa.

Ang P50 daily wage hike ay alinsunod sa Wage Order No.NCR-26, ayon sa DOLE. Inaprubahan ito ng Regional Wage Board noong Hunyo 30.

Nauna nang sinabi ng DOLE na nasa 1.2 milyong manggagawa sa Metro Manila ang inaasahang magbebenipisyo sa nasabing wage hike.

(JOCELYN DOMENDEN)

57

Related posts

Leave a Comment