P50K HANGGANG P1.5M ‘TARA’ SA GUSTONG LUMAYA SA BILIBID

(NI NOEL ABUELPHOTO BY DANILO BACOLOD)

TUMATAGINTING na P1.5 milyon ang pinaghahatian ng organisadong mafia sa Bureau of Corrections (Bucor) kapalit ng maagang pagpapalaya sa mga convicted heinous criminals sa pamamagitan ng good conduct time allowance (GCTA).

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson base sa naging pahayag ng ilang testigong humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng GCTA Law o sa Republic Act 10592.

Sa pagtataya, sinasabing nasa 2,000 heinous crime convicts ang napalaya simula noon pang 2014 dahil sa GCTA law na muntikan na ring mapakinabangan ni convicted rapist-killer na si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez.

“The extortion racket involving GCTA for sale ranges from P50k to P1.5m per PDL (person deprived of liberty). It is a big and organized mafia involving officials of the BuCor. The Senate will not stop until we crack these shameless acts wide open and hold to account those responsible no matter who they are,” ani Lacson.

Una nang ibinulgar ni Senate President Vicente Sotto II na tatlong testigo ang ihaharap sa pagdinig kabilang ang isang detainee, asawa ng isang inmate at isa pa.

Sa nakalipas na pagdinig, inamin ng isang Yolanda Camelon na nagbayad ito ng P50,000 sa ilang tauhan ng Bucor para sa maagang pagpapalaya sa asawa nito na nakadetine sa New Bilibid Prisons.

Maliban dito, sinabi ni Sotto na ibubulgar din umano ng mga testigo na anim na inmates ang nagbayad ng P100,000 habang ang ilang drug lords ay nagbayad ng P1.5 milyon bawat isa para sa kalayaan ng mga ito.

 

247

Related posts

Leave a Comment