P56.26-B droga nasamsam sa 3-buwang anti-drug ops 909 GOV’T WORKERS NALAMBAT

UMABOT sa 909 ang bilang ng government workers na kasama sa 266,126 katao na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad nilang 183,525 anti-illegal drug operations simula Hulyo 1, 2016 hanggang Oktubre 31, 2020.

Sa inilabas na datos ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, sa 266,126 kataong naaresto ng kanilang mga tauhan, 909 dito ay government workers na kinabibilangan ng 362 politiko o elected officials, 445 naman ang government workers at 102 ang uniformed personnel.

Sa 183,525 anti-narcotic operations na ikinasa ng PDEA, umaabot sa 5,942 ang bilang ng napatay na drug personalities o suspek habang 10,721 high value targets ang naaresto.

Ayon sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, umaabot sa P56.26 bilyong halaga ng droga, chemical components at laboratory equipment ang nasamsam ng mga tauhan ng ahensya sa loob ng apat na taon.

Umaabot sa P46.42 bilyon ang halaga ng shabu na nakumpiska na tinatayang 7,413.17 kilograms bukod pa rito ang 523.13 kilo ng cocaine, 83,403 piraso ng ecstasy at mahigit tatlong tonelada ng marijuana. (JESSE KABEL)

105

Related posts

Leave a Comment