INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pamamahagi ng P5,000 fuel subsidy para sa mga pampasaherong driver na naapektuhan ng pagsirit ng presyo ng langis bunsod ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Upang mapabilis ang implementasyon, pinulong ni Executive Secretary Ralph Recto, ang mga alkalde ng Metro Manila upang plantsahin ang distribusyon ng tulong.
“Bilang mayors, kayo ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at bilang ng mga tricycle at jeepney drivers sa inyong mga lungsod. Kaya mahalaga ang ating pagtutulungan,” pahayag ni Recto.
Magsisimula na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng subsidy sa Metro Manila na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development at Department of Transportation.
Kasunod nito ay agad ding ipatutupad ang distribusyon sa iba pang rehiyon sa bansa.
Ayon sa Malacañang, bahagi ito ng direktiba ng Pangulo na magbigay ng agarang ginhawa at proteksyon sa kabuhayan ng mga sektor na direktang tinatamaan ng oil crisis.
(CHRISTIAN DALE)
34 