P5K MULTA SA ‘NO FACE MASK’ SA CALOOCAN

MAGMUMULTA ng P5,000 at/o isang buwang pagkabilanggo ang sinumang mahuhuling walang suot na face mask sa pangalawang pagkakataon sa Caloocan City.

Batay sa City Ordinance No.0884-2020, mahigpit na ipinatutupad sa lungsod ang paggamit ng face mask sa lahat ng mga pampublikong lugar sa Caloocan City sa panahon ng pandemya.

Sa unang paglagbag sa nasabing ordinansa ay P1,000 ang multa.

“Ngayong tumataas na naman ang mga kaso ng COVID-19, ipakita natin ang ating pagmamalasakit at pasasalamat sa ating mga frontliner sa pamamagitan ng simpleng pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod sa social distancing. Malaking bagay po ito para sa kanila,” ani Mayor Oscar Malapitan. (ALAIN AJERO)

223

Related posts

Leave a Comment