Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Manila International Container Port, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang 2×40 container van na naglalaman ng 2000 master cases ng smuggled cigarettes.
Ang shipments ay nagmula sa China at naka-consigned sa Green Nature Alliance Ventures Corp. at Atlantic Globe Movers Inc.
Ang container van ay idineklarang naglalaman ng 1,134 cartons ng Zhong Su brand pe stretch film at 74 packages ng lowering device packing equipment.
Subalit, sa physical examination na isinagawa ay natuklasan ang 2000 master cases ng sigarilyo na may brand na Fortune, Mighty at Marvel.
Ang nahuling items ay tinatayang may market value na Php 60 Million.
Isang warrant of seizure and detention (WSD) ang inisyu sa shipment at agad na isinagawa ang imbestigasyon laban sa consignees.
Prinoseso na rin agad ang pagsasampa ng kaso laban sa nasa likod ng nasabing smuggling para sa paglabag sa Section 117 na may kaugnayan sa Section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o mas
kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at may kaugnayan sa National Tobacco Administration (NTA) and Bureau of Internal revenue (BIR) rules and regulations.
Ang MICP ay nananatiling matatag sa kanilang anti-smuggling at border protection efforts sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero. (Joel O. Amongo)
284 