P61K MARIJUANA NASAMSAM SA MINOR, 1 PA

LAGUNA – Arestado ang isang 26-anyos na lalaki at ang isang menor de edad matapos makumpiska sa mga ito ang ilang pakete ng marijuana sa buy-bust operation sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang isa sa mga arestado na si Joemari Atienza, 26-anyos.

Ayon sa report ng Calamba City Police, inaresto ang dalawa matapos makabili ang isang pulis na nagkunwaring buyer, ng ilang sachet ng marijuana sa operasyon sa Barangay Paciano dakong alas-7:30 ng gabi.

Nakumpiska sa dalawa ang kabuuang 6 na pakete ng pinatuyong dahon ng marijuan na may timbang na 510 grams at tinatayang nagkakahalaga ng P61,200.

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (NILOU DEL CARMEN)

251

Related posts

Leave a Comment