P7.3-M AYUDA NAIHATID SA ILANG LALAWIGAN

TULUYAN nang nadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tinatayang P7.3 milyong halaga ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa mga lalawigang sinalanta ng bagyong Odette nitong nakaraang linggo.

Sa pinakahuling Laging Handa briefing, binigyang pagkilala naman ni DSWD spokesperson Irene Dumlao ang Philippine Army sa pamumuno ni Maj General Romeo Brawner, Philippine Air Force, Philippine Coast Guard at mga private shipping companies para sa paghahatid ng higit na kinakailangang supplies sa mga apektadong pamilyang pansamantalang nanirahan sa mga evacuation centers.

Bukod sa pagkain, bahagi rin ng mga ayudang inihatid ng C-130 aircraft sa mga apektado ng bagyo ang P1.1-milyong halaga ng mga sleeping kits at beds, tubig, damit sabon at generators para sa mga lugar na patuloy pang walang suplay ng kuryente.

Kabilang sa mga lugar na hinatiran ng tulong ang Eastern, Central at Western Visayas, kasama ang Dinagat Island. Nakatakda na rin dalhan ng ayuda ang mga nasalanta sa ilang lugar sa Visayas region at Northern Mindanao. (JESSE KABEL)

103

Related posts

Leave a Comment