KUMILOS na rin ang China matapos na matunghayan ang lawak ng pinsalang idinulot ng Typhoon Odette na nanalasa sa maraming lalawigan sa Visaya at Mindano na tinatayang kumitil ng mahigit 300 katao.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, naghatid ng 20,000 food packages ang China na nagkakahalaga ng P8 milyon, sa iba’t ibang probinsya sa bansa na hinagupit ng naturang bagyo.
Kabilang na aniya rito ang probinsya ng Cebu, Leyte, Negros Occidental, Bohol, Cagayan de Oro City, Surigao City at Negros Oriental.
Pahayag pa ni Ambassador Huang, gagawin ng China ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtulong sa pamahalaan ng Pilipinas para sa mga sinalanta ng bagyo.
Umaasa raw sila na makababalik sa kanilang normal na pamumuhay ang mga mga biktima ng bagyo sa lalong madaling panahon.
“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by Typhoon Odette which has caused massive casualties as well as property loss,” pahayag pa ng Chinese envoy sa Pilipinas.
Nabatid pa na parating na rin sa iba’t ibang Puerto ang 4.725 million kilograms ng Chinese government-donated rice.”1.5 million kilograms are right in Cebu now, while the 3.225
million kilograms in Manila are being urgently transported to the typhoon-affected areas. We thank the Philippine government, in particular the Department of Social Welfare and Development, for their great efforts in urgently distributing this rice to those Filipino families in need,” pahayag pa ng embahador ng China. (JESSE KABEL)
