BATANGAS CITY- Nasamsam ang tinatayang P836,400 halaga ng hinihinalang ilegal na droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa lungsod noong Huwebes.
Isinagawa ng mga tauhan Batangas City Drug Enforcement Unit at PDEA ang paghuli kay alyas “Ricardo”, isang high value individual, dakong alas-9:24 ng gabi sa Brgy. Tinga Labak.
Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 123 gramo ng hinihinalang ilegal na sangkap, kasama ang boodle money at iba pang ebidensya.
Nakaditine na ang suspek sa Batangas City Police station custodial facility at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(NILOU DEL CARMEN)
