ECSTACY NASABAT SA PAMPANGA

NASABAT ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force ng National Bureau of Investigation (NBI) ang parcel mula sa Europe na may lamang hinihinalang ecstasy sa isinagawang operasyon sa UPS Warehouse sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

Ang kahina-hinalang kahon ay idineklarang “animal food” ngunit natuklasang naglalaman ng apat na vacuum-sealed na pakete ng ilegal na droga.

Ang padala ay mula sa France at nakapangalan sa isang Jerico Gregorio Causon ng Taguig City.

Patuloy pa ang imbentaryo at dokumentasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(RENE CRISOSTOMO)

56

Related posts

Leave a Comment