HINIMOK ni Sen. Christopher “Bong” Go ang ang mga Pilipino na “wag mawalan ng pag-asa dahil ang pamahalaan ay nariyan at handang tumulong”.
Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Go, “huwag kayong mawalan ng pag-asa dahil hindi kayo pababayaan ng gobyerno na laging nagmamalasakit sa inyo”.
“Magbayanihan tayo para malagpasan natin ang krisis na ating kinakaharap ngayon dahil malaki po ang magagawa ng pagtutulungan natin sa isa’t isa,” dagdag pa ng senador.
Ang tinutukoy ni Go ay ang mga nagsulputang “community pantry” kung saan sang-ayon ang mambabatas dahil nakatutulong ito sa mahihirap basta’t wag lang aniyang haluan ng pulitika.
Hinikayat din ng dating Special Assistant to the President (SAP) ang mahihirap na “wag mag-atubiling lumapit sa mahigit isandaang Malasakit Center nationwide” kapag may mga karamdaman sila at walang pambayad sa pagpapagamot.
“Itinatag po namin ng Pangulong Duterte ‘yang mga Malasakit Center para po sa inyo na hirap sa buhay at walang pampagamot kaya’t marapat lamang na lapitan po ninyo ito,” pahabol ni Go. (CHRISTIAN DALE)
223
