PAANO ANG MANATILING MAGANDA?

Ni Ann Esternon

Marami ang nagpapayo na dapat ay manatili tayong maganda at healthy. Marami rin ang nagsasabi na dapat hindi na gaanong pagtuunan ito ng pansin lalo na kung nadaragdagan naman ang ating edad.

Ang pagpapaganda ay walang pinipiling panahon o edad kaya mahalaga na mamantina ito upang bumagal ang ating pagtanda at kung magkaedad man ay hindi ito halata sa ating itsura.

Tandaan natin na ang pagiging maganda ay hindi lamang nababase sa ating itsura. Ang kagandahang ito ay may taglay ding tamang level ng kumpiyansa sa sarili, masayang dinadala ito at may importansya ito sa atin.

ANO ANG MGA SALIK NA NAKASISIRA SA BALAT?

– Edad. Lahat tayo ay tumatanda pero naiiba ito kung paano natin ito pinagdadaanan.

– Kapaligiran. Tulad nito ay artificial systems tulad ng air conditioner, central heating at iba pa. Ang mga ito ay nag-iiwan ng masamang epekto sa balat na nakasisira.

– Panahon. Ang klima ay may epekto sa balat lalo na sa tropical country. Maaari itong makatuyo ng balat o makadagdag ng oil – daan para maging sensitive ang balat.

– Natural na dahilan. Ang pagkakaroon ng hormonal changes ay may dala ring epekto sa balat o sa itsura natin. Kabilang din dito ang monthly period, menopause, contraceptive pills, stress, at mga pagkain na maaaring magpasensitibo sa balat.

MGA PARAAN PARA MANATILING MAGANDA

– Unang dapat nating isaisip ay ang kumain ng masusustansyang mga pagkain – mga matataas sa nutrisyon at may mataas na lebel pangontra sa sakit.

– Mahalaga rin na mayroong regular na ehersisyo kahit pa tatlong beses sa isang linggo na tumatagal ng 30 minutos hanggang isang oras o higit pa. Pero bago nito, komunsulta muna sa doktor kung anong tamang exercise ang tama sa inyong kalusugan at sa edad.

– Magkaroon ng sapat na tulog at iwasan ang magpuyat. Hindi sapat na magkaroon ng pito o walong oras na tulog. Kailangan ding nasa tamang oras din ito upang maging normal pa rin ang galaw ng katawan at may sapat na panahon upang mag-repair ang katawan sa mga nasirang parte nito kung mayroon man.

– Maliban sa tamang pagkain, pagtulog at pag-ehersisyo ay kailangan na kaya nating labanan ang stress na maaaring tumama sa atin. Mahalagang may kontrol tayo sa ating mga nararamdaman na hindi ito mauwi sa sobrang negatibo – lungkot, dusa o ano pa man.

302

Related posts

Leave a Comment