Pabalik sa W. Visayas, Iligan at Lanao del Sur BIYAHE NG LSIs SUSPENDIDO

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang suspensyon ng mga biyahe ng locally stranded individuals (LSIs) patungong Western Visayas, Iligan City at Lanao del Sur.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay makaraang hilingin ng local government units ng nabanggit na mga lugar na suspendihin muna ang pagbyahe ng LSIs.

Nasa ilalim sa kasalukuyan sa mas mahigpit na lockdown o modified enhanced community quarantine ang Iligan City at Lanao del Sur hanggang Setyembre 30.

Habang ni-require naman ng mga opisyal sa Western Visayas ang mga residente, kabilang na ang overseas Filipino workers, na sumailalim sa quarantine at COVID-19 testing pagbalik ng mga ito sa rehiyon.

Sa kabilang dako, nanawagan naman ang LGUs sa rehiyon na isuspinde ang pagpapauwi ng LSIs para makapagpahinga ang kanilang health personnel at para maghanda ng isolation facilities. (CHRISTIAN DALE)

133

Related posts

Leave a Comment