PABOR SA BOC ANG SMUGGLING PROBE

INSIGHT Ni DR BERNIE R. ANABO JR.

MGA Igan, tiyak na masisiyahan si Bureau of Customs Commissioner Jagger Guerrero sa nais ni Presidential Sister Senator Imee Marcos, na smuggling probe kaugnay sa mga opisyal na dawit umano sa anomalya. Ayos, mga Igan! Magkaalaman na!

Sa pahayag ni Comm. Guerrero “We welcome the proposal of Sen. Marcos for deeper probe of agricultural smuggling. May I note that since I was appointed Customs Commissioner in 2018, the Bureau of Customs has always actively participated in any and all ­hearings conducted by both Houses of ­Congress, as the congressional records would show.”

Ito ang naging komento ni Comm. Guerrero matapos sabihin ni Chairman of Senate Committee on Economic Affairs Sen. Marcos, na mas kailangan ng malalim na imbestigasyon sa isyu.

Mas maganda po ito mga Igan, sapagkat ayon sa mga ­opisyal ng BOC, masyadong kwestyunable ang inilabas na Senate Committee Report 649, partikular na sa mga indibidwal na sangkot umano sa pagpapalusot ng agri products.

Ok na ok ang naging panukala ni Sen. Marcos, lalo na’t ang kanyang kapatid na si Pangulong Marcos ang concurrent Secretary of Agriculture, para direktang matutukan ang mga problema sa sektor ng agrikultura, at smuggling.

Pinupuri naman natin ang pahayag ni Sen. Marcos, na hindi mapapanagot sa batas ang mga sangkot sa anomalya kung hindi malinaw kung sino ba talaga ang dapat maparusahan na mga protektor umano ng mga ismagler. Tama nga naman ang punto ni Sen. Marcos. Idol!

Sa mariing pang pahayag ni Sen. Marcos, hindi matutugunan ang problema ng mga magsasaka, at lalong malulugmok ang ekonomiya ng bansa kung hindi mapapanagot ang mga sangkot at mapaparusahan naman ang mga inosente. Tumpak mga Igan!

Sa panayam po natin kay Comm. Jagger, kinuwestiyon niya naman ang inilabas na listahan ng Senado matapos itanggi ng AFP, PNP, NICA at NBI na nanggaling sa kanila ang listahan sa umano’y sangkot sa agri smuggling na isinapubliko ni Senate President Sotto.

Naku po! Ibig sabihin lamang nito mga Igan, NAKURYENTE o NA-FAKE NEWS si Sen. Sotto! Hahaha! As in WOW MALI! Marapat lang na mag-imbestiga muna bago magsisiwalat. Kawawa naman ang mga inosenteng kawani ng BOC.

Para sa kaalaman ng lahat mula nang maitalaga si Comm. Jagger sa BOC, marami itong mga major accomplishment at parangal na natanggap. Isa na rito ang mga lampas na koleksyon.

Maraming nagawa si Comm. Jagger na magsisilbing kanyang legasiya dahil ang mga assigned monthly target ay may mga surplus itong mga bilyones at may kaukulang datos ito sa BOC.

Samantala, sa huling pahayag ni Comm. Jagger, handa umano silang dumalo sa ano mang pagdinig sa Senado para malinis ang kanilang pangalan at mapanagot ang totoong nasa likod ng agri smuggling.

***

MALISYOSONG AKUSASYON

Mga Igan, dumipensa ang ilang mga opisyal ng Bureau of Customs, sapagkat mapanira at malisyoso ang naglalabasang mga balita sa diumano’y sangkot ang ilan sa kanila sa agri smuggling.

Saad ni BOC Atty. Jet Maro­nilla, patuloy ang BOC sa pagtutok sa kanilang mga tungkulin para makatulong sa pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya na halos nanalasa ng dalawang taon.

Dagdag pa ni Atty. Maronilla, ang liderato ng BOC sa pagmamaneho ni Comm. Jagger Guerrero, ay kumikilala sa ­malaking ambag ni Dep. Comm. for Revenue Collection and Monitoring Group Atty. Vener Baquiran. Tama po ‘yan, isang asset si Dep. Comm. Vener.

Kung inyo pong lilimiin, si Dep. Comm. Baquiran ang siyang nakatalaga sa monitoring ng puma­pasok na buwis sa kaban ng Aduana, at responsable sa pagsasampa ng kaso sa ismagling sa DOJ. Ano ang kinalaman niya sa agri smuggling? Haitz!

Ang punto po natin dito, baka kaya isinasangkot lamang si Dep. Comm. Vener sa nasabing anomalya dahil marami siyang nasa­sagasaan. Tama po ba ako? Kasi siya ang nagsasampa ng kaso.

At sa pagkakaalam po natin, patuloy ring tinututukan ni Dep. Comm. Vener ang higit 200 na kaso ng ismagling na naisampa sa Department of Justice bilang pag­tugon sa nais ng Malakanyang at ni Comm. Jagger na huwag itigil ang kampanya laban sa ismagling.

205

Related posts

Leave a Comment