PABRIKA NG GOMA, 2 ARAW NASUNOG

HALOS dalawang araw nasunog ang isang pabrika ng goma sa Valenzuela City, kaya’t inabot pa ng isang sunog kinabukasan sa isa namang residential area sa lungsod na nauna pang naapula.

Ayon sa Valenzuela Central Fire Station, noong Disyembre 14, dakong alas-tres ng hapon nang magsimulang masunog ang isang industrial area sa C. Santiago St., Viente Reales sa siyudad na umabot ng fourth alarm.

Idineklara itong fire-under control kinabukasan dakong 11:45 ng gabi at tuluyang naapula ang sunog na tumupok sa tinatayang P45 milyong halaga ng mga ari-arian.

Inabutan pa ito ng pagliyab ng isang residential area sa Jacinto St. Marulas, at nauna pang idineklarang fire-out dakong 9:53 ng gabi.

Walang iniulat na namatay o nasugatan sa dalawang insidente ng sunog na inaalam pa ang posibleng sanhi. (ALAIN AJERO)

215

Related posts

Leave a Comment