TAGUMPAY si Jimuel Pacquiao, panganay na anak ni boxing legend at pambansang kamao Manny Pacquiao, sa kanyang unang US amateur fight sa San Diego, California nitong Linggo.
Nilugmok ng batang Pacquiao sa junior welterweight fight si Andres Rosales.
Sa isang Instagram story ay binati ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang panganay na anak sa panalo nito.
Nakuha ng 20-year-old na si Jimuel ang kanyang amateur boxing license noong Disyembre.
Matapos ang huling laban ng amang eight-division world champion noong Agosto, nagpaiwan si Jimuel sa Amerika upang magpalakas at mag-training sa Wild Card Gym sa Los Angeles ng Hall of Fame trainer na si Freddie Roach.
Matatandaang matapos magretiro noong nakaraang taon ay inanunsyo ng 43-anyos na si Sen. Pacquiao na tatakbo siya sa pagkapangulo ng bansa sa Mayo 2022. (ANN ENCARNACION)
319 