IPINAUBAYA ng Department of National Defense (DND) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-aksyon kaugnay ng pag-amin ni Senator-Judge Robinhood Padilla na siya ay isang “komunista” sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang AFP ang dapat magsagawa ng kaukulang proseso kaugnay ng naturang pahayag, lalo’t si Padilla ay isang colonel sa Philippine Army Reserve Force.
Nauna nang sinabi ni Padilla sa pagtatanong kay National Bureau of Investigation (NBI)-BARMM Regional Director Atty. Jeremy Lotoc na, “Komunista po ako,” habang tinatalakay ang konteksto ng “Operation Romanov.”
Samantala, ibinasura rin ni Teodoro ang pahayag ni Padilla na nagbibigay-katwiran umano sa mga aksyon ng China.
Binigyang-diin ng kalihim na walang anomang katwiran sa mga ikinikilos ng China at hindi ito maihahambing sa pagtulong ng ibang mga bansa sa Pilipinas dahil hindi umano sinasakop ng mga ito ang teritoryo ng bansa.
(JESSE RUIZ)
139 