DIOKNO: BUONG FINANCIAL PICTURE KAILANGAN SA MGA KASONG UNEXPLAINED WEALTH

IGINIIT ni House prosecutor at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Senate impeachment court na dapat masuri ang kabuuang kalagayang pinansyal ng isang opisyal sa pagdinig ng mga kasong may kaugnayan sa unexplained wealth.

Ayon kay Diokno, batay sa jurisprudence ng Korte Suprema, hindi sapat ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at income tax return (ITR), kaya hinihiling ng prosekusyon ang bank records, Bureau of Internal Revenue (BIR) records, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte.

Binanggit niya ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong DOF-Revenue Integrity Protection Service v. Merencilla, na nagsasabing kailangang makita ang “buong financial picture” sa pagbusisi ng mga kasong unexplained wealth.

Iginiit din ni Diokno na subpoena lamang ang legal na paraan upang makuha ng impeachment court ang mga naturang dokumento, habang ang usapin ng admissibility ng mga ito ay tatalakayin pa sa mga susunod na yugto ng paglilitis.

(TINA MENDOZA)

137

Related posts

Leave a Comment