PAG-ATAKE SA MGA MAMAMAHAYAG KINONDENA NI ZUBIRI

UMAASA si Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi makakaapekto sa inaasam na investment ng bansa ang kaso ng pag-atake sa mga mamamahayag partikular ang naging pagpatay kay Percy Lapid.

Sinabi ni Zubiri na hindi lang naman sa Pilipinas nangyayari ang ganitong insidente subalit nilinaw na dapat kondenahin sa pinakamataas na paraan ang ganitong mga krimen.

“I condemn all the attack on journalists, particularly kay Percy Lapid. It is a heinous crime, dapat hindi natin palampasin ito,” pahayag ni Zubiri.

Iginiit ni Zubiri na sagrado ang buhay ng tao at ang sinomang sangkot sa ganitong uri ng krimen ay dapat na papanagutin sa batas.

“The media of the Philippines must have a free environment to be able to report out news item without fear of reprisal,” giit pa ng Senate President.

Dahil dito, nananawagan ang senador sa mga otoridad partikular sa NBI at PNP na bigyan ng hustisya ang pamilya ng mamamahayag sa pamamagitan ng agarang pag-aresto sa mga salarin.

Iginiit pa ni Zubiri na maging si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, ay inatasan na ang PNP na agarang resolbahin ang pagpatay Kay Lapid.

Idinagdag ng Senate president na mahalaga sa ngayon ay gumagawa ng aksyon ang gobyerno upang malutas ang kaso sa pagpaslang sa mamamahayag. (DANG SAMSON-GARCIA)

186

Related posts

Leave a Comment