‘Pag bago na ang mga nakaupo KAMARA MAHIHIRAPAN SA IMPEACHMENT VS VP SARA

INIHAYAG ng dating associate justice ng Korte Suprema na kung magbabago ang nakaupong mga kongresista sa House of Representatives, ay maaaring mahirapan na dinggin ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, matapos ang 2025 midterm elections.

Ipinaliwanag ni dating SC Associate Justice Adolp Azcuna sa “Kapihan sa Manila Bay”, dapat kung sino ang mga naghain ng impeachment complaint ay sila ang mangunguna sa pagsusulong nito, alinsunod sa nakasaad sa konstitusyon.

Ayon kay Justice Azcuna, ngayon pa lamang ay dapat umpisahan na ang pagdinig dahil hindi maaaring maghain ng magkasunod na impeachment complaint sa isang taon lalo na sa 20th Congress, dahil lalabag ito sa saligang batas.

Sinabi naman ni Atty. Amando Virgil Ligutan ng UP College of Law at co-author sa ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara, hindi naman dapat magpatawag ng special session dahil ang inihaing reklamo ay dapat na dinggin at nakasaad sa konstitusyon.

Ayon kay Atty. Ligutan, kahit pa magbago ang mga nakaupo sa Kamara ay bahala na ang Senado na ipagpatuloy ang impeachment trial dahil nakapag-acquire na ito ng hurisdiksyon. (JOCELYN DOMENDEN)

8

Related posts

Leave a Comment