PAG-BAN SA GOV’T SPENDING TUWING ELECTION TIME KINONTRA

congress12

(NI ABBY MENDOZA)

SA katwirang maraming proyekto ng gobyerno ang naantala tuwing panahon ng eleksyon, isinusulong ni Ako Bicol Party-list Rep Alfredo Garbin Jr. na ire-evaluate ang ipinatutupad na ban.

Paliwanag ni  Garbin tapos naman nang sumailalim sa proseso at kadalasan ay nailalatag na ang proyekto subalit inaabutan ng election ban kaya hindi agad naipatutupad.

Kadalasan umano ay inilalabas ng Department of Budget and Management ang pondo sa first quarter ng taon para maipatupad sa second quarter subalit sa ganitong panahon nag-uumpisa ang spending ban.

Naniniwala ang mambabatas na ang ganitong ban ang balakid para sa tuloy tuloy na paglago ng ekonomiya.

Nakasaad sa Omnibus Election Code ang pagbabawal sa gobyerno na maglabas ng pondo at materyales para sa public works sa loob ng 45  araw bago ang eleksyon.

Ayon naman sa Commission on Elections (Comelec) na kanilang ikinokonsidera ang hiling ng Malacañang na ma-exempt ang mga proyektong nasimulan na pati na ang soft projects na may humanitarian reasons.

Subalit para kay Garbin, kung naaprubahan na ang proyekto ay mainam na hindi na isama sa ban dahil lubha umanong matagal ang 45 days na ban na marami nang natapos na proyekto.

 

156

Related posts

Leave a Comment