DAPAT pag-aralan muna ng Department of Agriculture (DA) ang planong pag-aangkat ng galunggong dahil maraming mangingisda ang maaapektuhan.
Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, bagamat may kakulangan ng galunggong dahil sa bagyong Odette noong nakalipas na buwan at ang umiiral na “fishing ban”
ngayon”, dapat timbangin ng DA kung ano ang mas mahalaga – ang kabuhayan ng mga fisherman natin o ang mga konsyumer na galunggong lang ang kayang bilhin.
Ayon kay Yap, maiintindihan naman ng mga konsyumer kung hindi tayo mag-iimport alang-alang sa mga mangingisda natin.
Ani Yap, marami pa ring isda na kayang bilhin ng mga kababayan natin tulad ng tilapia, bangus, at iba pang uri ng isda.
Nitong mga nakalipas na araw ay biglang sumirit ang presyo ng galunggong mula sa ₱80 ang kilo at ngayon ay halos ₱200 na sa ilang palengke dahil sa kakulangan ng supply.
