PAG-RESIGN NI ABAYALDE, FAKE NEWS – PNP

albayalde

(NI AMIHAN SABILLO)

ITINANGGI ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na nagbitiw na sa pwesto ang hepe ng pulisya matapos na madawit sa umnaoy maanomalyang 2013 Pampanga raid ng mga tinaguriang ‘ninja cops’.

Sa opisyal na pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde, na inilabas ng public information office (PIO), sinabi na isa lamang umanong smear campaign o paninira ang pagkalat ng text message na siya ay naghain ng resignation sa Pangulo.

Ilan sa pahayag ni Albayalde “I question the timing of this attack and smear campaign against me. Until now, despite the Senate hearings conducted, no hard evidence was ever presented showing that I was involved in that drug raid in Pampanga in 2013. All statements made remain allegations, insinuations, and unsubstantiated.”

Sinabi pa nito na bahala na umano ang Pangulo na mag desisyon sa mga pangyayari o kung aalis sa pwesto o mananatili hanggang sa kanyang pagretiro sa November 8.

Inihayag pa ni Albayalde na walang malinaw na batayan o ebidensya na nag-uugnay sa kanya na nakinabang umano sya sa maanomalyang drug operation.

Nilinaw din ni Albayalde na hindi nya kaibigan si retired Police General Rudy Lacadin, liban sa naging franchised ito sa kanilang negosyo na water refilling station noong 2011 kaya wala umanong katotohanan ang sinabi nito sa Senado na tinawagan nya si Lacadin hinggil sa imbestigasyon ng ‘ninja cops’ na dating mga tauhan.

“Lacadin has a lot of explaining to do and he will have his day in court.  All those police officials ganging up on me have ill motives against me and obviously all worked with the previous administration,” pahayag pa ni Albayalde.

198

Related posts

Leave a Comment